2e0ba1206da4412d250a6868b3c7aa08

Ano po yung Pinoy Gaming Festival?

Ang Pinoy Gaming Festival (PGF) ang pinakamainit at kapana-panabik na E-Sports event sa Pilipinas, na inaabangan ng libu-libong Pilipinong enthusiasts o fans ng E-Sports.

 

Kailan po gaganapin?

Itong Sabado at Linggo na. October 27-28, 2012.

 

Saan gaganapin?

Sa SMX Hall 3, malapit sa Mall of Asia.

 

Ano oras po magsisimula?

10AM magsisimula sa parehong araw. Para sa mga NCCL at GMPGL players, 8am ang calltime natin.

 

Paano po makapunta ng SMX?

Basahin niyo po ito (http://www.ph-commute.com/2008/02/how-to-commute-to-mall-of-asia-pasay_13.html).

 

Magkano po ticket?

P70

 

Pang-isang araw lang po ba yung ticket?

Yes.

 

Saan po makakabili?

Pwede online (https://www.smtickets.com/event/view/961).

Pwede sa SM Tickets (https://www.smtickets.com/marketing/index_v2).

Pwede rin sa SMX Hall 3 mismo habang event na.

 

Ano po ang mga makukuha kong freebies sa PGF?

1 Free Monster Energy Drink

1 Free PGF 2012 baller

Free snacks from Magic Flakes and Yakisoba

Freebies from sponsors

 

Kailangan pa bang bumili ng ticket yung mga player?

Yes. Maliban na lang kung kasali ka sa NCCL at GMPGL. Sa Day 2, libre pa rin basta hindi ka pa laglag. Yung mga sasali sa Dota 2, Crossfire, CS:GO, World of Tanks, at Tekken Tag 2, kailangan bumili ng ticket for both days.

 

Yung mga team manager ng GMPGL?

 Isang manager bawat GMPGL team lang ang makakalibre ng entrance.

 

E yung 6th man (o yung mga substitute players) po?

Hindi sila libre. Bibili sila ng ticket.